209
views
donald-trump
By

Trump sa Russia: Smart missile papakawalan ng US sa Syria

Sharing is caring!

Nagbanta si US President Donald Trump na titirahin ng missile ang Syria bilang ganti sa chemical attack diumano nito na ikinamatay ng hindi bababa sa 40 katao.

Ang pahayag na idinaan ni Trump sa kanyang Twitter account ay mistulang pagbalewala sa banta naman ng Russia na pababagsakin ang mga missile na ibabato nito sa Syria.

Ayon kay Trump, dapat na maghanda ang Russia dahil gagamit ito ng bago at “smart” na mga missile.

Sinabi pa nito na hindi rin dapat nakikipag kaibigan ang Russia sa isang bansa na tinawag nitong “gas killing animal” na natutuwa sa pagpatay sa sarili nitong mamamayan.

Ang hindi binanggit ni Trump sa kanyang twitt ay ang detalye ng posibleng missile strike at kung gagamit ba ito ng mga US missile.

Sa isa pang twitt ni Trump, sinabi nito na ang relasyon ng Russia at US ay mas malala ngayon kumpara sa nakalipas na panahon kabilang noong Cold War.

Una nang sinabi ng mga mambabatas sa Russia na posibleng ituring ng Moscow ang airstrike sa Syria na isang war crime at maaaring pag-umpisahan ng sigalot sa pagitan ng militar ng dalawang bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?