8

Aug 29, 2020 @ 18:18
By

Trump pinuri si Abe sa pagbaba sa puwesto

Pinuri ni US President Donald Trump ang ginawang pagbaba sa puwesto ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe dahil sa kalusugan nito.

Ani Trump, kinokonsidera niya si Abe bilang “great friend”.

“I want to pay my highest respect to Prime Minister Shinzo Abe … a great friend of mine,” wika ni Trump sa ulat ng New York Times. “I just feel very badly about it.”

Noong Biyernes inanunsyo ni Abe ang pagbibitiw dahil sa lumalalang kondisyon ng kanyang kalusugan.

Ilang taon nang nakikipaglaban ang 65-anyos na si Abe sa chronic ulcerative colitis, isang intestinal disease.

Huling termino niya sana ay sa September 2021 pa matatapos.

Umugong ang mga balitang posibleng pagbibitiw ni Abe noong nakaraang linggo matapos ang dalawang beses na pagbisita niya sa ospital sa loob lang ng isang linggo.

Nagsimula siyang maging prime minister ng Japan noong September 2006.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?