37

Sep 23, 2020 @ 22:32

Trump pinapanagot China sa COVID-19

Sumiklab muli ang tensiyon sa pagitan ng Amerika at China sa ginanap na UN General Assembly sa New York.

Ito’y matapos diretsahang sisihin ni US President Donald Trump ang China sa pagkalat ng coronavirus.

Giit ni Trump, dapat panagutin ang China sa pandemya.

“We must hold accountable the nation which unleashed this plague on to the world – China,” giit ni Trump, sa ulat ng BBC.

“In the earliest days of the virus China locked down travel domestically, while allowing flights to leave China and infect the world. China condemned my travel ban on their country, even as they cancelled domestic flights and locked citizens in their homes,” dagdag ng US president.

Sa kanya namang speech, sinabi ni Chinese President Xi Jinping na walang intensyon ang kanyang bansa na pumasok sa “Cold War” sa anumang bansa. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?