18

Nov 8, 2020 @ 9:20

Trump olats kay Biden

NEW YORK – Sinibak ng mahigit sa 75 milyong Amerikano bilang Pangulo ng Estados Unidos si US President Donald Trump.

Nakuha ni dating US Vice president Joe Biden ang 270 Electoral Votes na magluluklok sa kanya bilang ika 46 na pangulo ng Amerika.

290 electoral votes ang kasalukyang botong nakuha ni Biden habang 214 electoral naman si Trump
Tatlong States pa ang kasalukuyang binibilang pero malabo ng makahabol pa si Trump.
Malulngkot ang naging kasaysayan sa politika ni Trump matapos na iwanan siya ng mga botanteng nagluklok sa kanya noong 2016 election.

Samantala, gumawa na naman ng kasaysayan ang domecratic party dahil si California Senator Kamala Harris ang kauna-unang Black woman at Asian American na uupo bilang Vice President.

Nagdiwang ang mga taga suporta ng democratic party sa ibat-ibang panig na Amerika.

Sa New York, libo-libong tao ang nagtipon-tipon sa ibat-ibang lugar para ipagdiwang ang panalo ni Biden.
Sa Washington naman bantay sarado ng US Secret Service ang White House matapos na magtipon-tipon ang mga tagasuporta ni Biden sa harap ng White House.

Sa December sesertipakahan ng Electoral college ang Electoral votes na nakuha ni Biden at ‪January 20‬ ay pormal siyang manunupa bilang ika 46 na pangulo ng Unites States of America

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?