30

By

Trump niratratan ang Nike

Sharing is caring!

Labis na naiinis si US President Donald Trump sa palatastas ng Nike.

Ito ay matapos lumabas ang NFL quarterback na si Colin Kaepernick sa video ad ng Nike kung saan binatikos ni Trump ang suporta na nanggagaling sa Nike.

“Just like the NFL, whose ratings have gone WAY DOWN, Nike is getting absolutely killed with anger and boycotts,” giit ni Trump sa Twitter.

“I wonder if they had any idea that it would be this way? As far as the NFL is concerned, I just find it hard to watch, and always will, until they stand for the FLAG!”.

Nilabas ng Nike ang komersyal noong Miyerkoles para sa dating San Francisco 49ers player na kung saan inilarawan ang istorya ng mga sikat na atleta tulad nila Serena Williams at Lebron James.

Dito rin binigyang-pansin ang paniniwala ni Kaepernick na sinabing “Believe in something. Even if it means sacrificing everything.”

Matatandaang hindi tumayo si Kaepernick noong tinugtog ang pambansang awit ng Amerika kung saan maraming tao ang bumatikos sa kanya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?