10

Oct 13, 2020 @ 12:03
By

Trump negatibo na sa COVID

Wala pang dalawang linggo matapos ianunsyong tinamaan ng COVID-19, pinaalam ng physician ni US President Donald Trump na magaling na umano ito sa naturang sakit.

Ayon kay Dr. Sean Conley, nagnegatibo na umano ang Presidente ng Amerika sa coronavirus sa pamamagitan ng rapid test.

“I can share with you that he tested negative, on consecutive days, using the Abbot BinaxNOW antigen card,” saad ni Conley.

Lahad pa ng doktor, hindi lang ang naturang rapid test ang naging basehan nila para sabihing wala na ang virus kay Trump.

Una nang hinayag ni Conley na hindi na umano nakahahawa ng virus ang US President.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?