74

Nov 14, 2017 @ 18:56
By

Trump nakaalis na ng Pinas

Sakaya ng Air Force One, umalis na ng bansa kaninang hapon si US President Donald Trump.

Base sa inilabas na abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA) pasado alas-3 ng hapon nang lumipad ang US presidential plane mula sa NAIA.

Hindi na dumalo si Trump sa 12th East Asia Summit at ang kanyang pinapunta ay si US Secretary of State Rex Tillerson.

Bago ang kanyang pagdalo sa ASEAN Summit, dumalo si Trump sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Vietnam.

At bago pa ito, bumisita siya sa South Korea, China at Japan.

Ang biyahe ni Trump sa Asya ang itinuturing na pinakamatagal na ginawa ng pangulo ng Amerika sa loob ng dalawang dekada. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?