9

Oct 3, 2020 @ 14:42
By

Trump nagsimula na ng Remdesivir therapy sa ospital

Matapos ianunsyo ang kanyang pagpopositibo sa coronavirus disease, dinala sa Walter Reed Medical Center si US President Donald Trump, Biyernes ng hapon kung saan ilang araw siyang imo-monitor sa mga sintomas ng COVID-19.

Ito ang pinakaseryosong health crisis na dumapo sa isang Pangulo simula nang barilin si President Ronald Reagan noong 1981, ayon sa ulat ng CBS News.

Sinabi ng isang White House physician na nagsimula na si Trump ng Remdesivir therapy at binibigyan ng isang dose ng antiviral.

Maayos naman daw ang kondisyon ng US prexy at hindi kailangan ng oxygen.

Noong Biyernes sinabi ni White House spokesperson Kayleigh McEnany na may mga “mild symptom” lang si Trump.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?