By

Trump nag-enjoy sa ‘Pinas; bumilib sa talento ng Pinoy

Sharing is caring!

Todo-papuri si United States President Donald Trump sa maayos na paghahanda at pagdaraos ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa bansa.

Sa kanyang pahayag bago magsimula ang bilateral meeting nila ni Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi ni Trump na nag-enjoy siya sa Pilipinas at pinuri din ang magandang panahon.

Bumilib din si President Trump sa talento at galing ng mga Pilipino na nag-perform sa gala dinner noong Linggo ng gabi at nag-enjoy aniya silang lahat kasama ang ibang mga state leaders.

Tinawag ni Trump na “fantastic” ang gala dinner dahil sa magagandang musika at sayaw na ipinamalas sa mga bisita.

“I really enjoyed being here. The weather is always good. Today it’s pretty good. But one thing about the Philippines it gets good no matter what. But we very much appreciate the great treatment you have given us,” ang pahayag ni Trump.

Nagpasalamat din ang US President sa mainit na pagtanggap ng mga Pilipino sa kanila at sa iba pang lider na dumadalo sa ASEAN Summit.

“So I just…I think on behalf of everybody, I want to thank you and I want to thank the Philippines. Thank you very much, ” ang dagdag na pahayag ng US President. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?