32

By

Trump-Kim summit sa Singapore, nagsimula na

Sharing is caring!

Nakatayo habang nasa likod ang anim na watawat ng North Korea at anim na bandila ng Amerika, binati ni US President Donald Trump si North Korean leader Kim Jong Un sa The Capella Hotel nitong Martes sa Singapore.

Nagkamay pa ang dalawang lider bago sinimulan ang makasaysayang summit na layon ang denuclearizing sa Korean Peninsula.

“This is an honor, we are going to have a terrific relationship,” ani Trump kay Kim matapos mag-handshake.

“There were a lot of obstacles to get to this point, it was not easy, but we made it through,” tugon ni Kim.

Tumagal ng 38-minuto ang unang summit sa pagitan ng dalawang lider ng matagal nang magkaalitang bansa.

Kasama nila sa one-on-one meeting ang interpreters.

Sinundan ito ng isang bilateral meeting kasama ang advisers bago ang working lunch.

Inaasahang matatapos nitong hapon ang summit kung saan uuwi rin sa kani-kanilang bansa ang mga partisipante ngayong araw.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?