By

Trump, Kim pumirma na sa denuclearization agreement

Sharing is caring!

Kapwa lumagda sina President Donald Trump at North Korean leader Kim Jong Un sa dokumento sa makasaysayang summit sa Singapore nitong Martes.

Ayon sa report, nakalahad dito na sisikapin ng Pyongyang at Amerika ang “complete denuclearization of the Korean Peninsula” at seguridad ng North Korea.

“President Trump committed to provide security guarantees to the DPRK and Chairman Kim Jong Un reaffirmed his firm and unwavering commitment to complete denuclearisation of the Korean Peninsula,” saad sa joint statement na inisyu sa historic summit.

Ang DPRK o Democratic People’s Republic of Korea, ang formal name ng North Korea.

Inaasahan umano ni Trump na masisimulan agad ang denuclearization habang hindi naman idinetalye pa kung paano ito isasagawa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?