By

Trump, Kim, nasa Singapore na para sa historical summit

Sharing is caring!

Kapwa nasa Singapore na ang North Korean leader at US president para sa summit na layong matuldukan ang nuclear crisis.

Gaganapin ang makasaysayang pag-uusap ng dalawang lider sa Martes sa Capella Hotel.

Ito ang unang pagkakataon na nakipagkita ang isang North Korean leader sa nakatalagang presidente ng Amerika.

Dumating sa Singapore si Trump sa Paya Lebar Airbase noong Linggo, ilang oras makaraang lumapag ni Kim sa Changi Airport sakay ng Air China 747.

Ayon sa report, matapos dumating sa Singapore, nakipag-usap si Kim kay Prime Minister Lee Hsien Loong at pinasalamatan ito sa pagho-host ng summit.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?