56

By

Trump kay Duterte: I like him very much

Sharing is caring!

Bukod kina Chinese President Xi Jinping at Russian President Vladimir Putin, nadagdagan ang “bff” o best friend forever ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos silang magkapalagayang-loob ni United States President Donald Trump sa maiksing panahon na pagbisita sa Pilipinas para dumalo sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit.

Bago tuluyang sumakay ng Airforce One noong Martes ng hapon si Trump ay ipinasabi nito kay Executive Secretary Salvador Medialdea ang pasasalamat kay Pangulong Duterte at aniya ay nag-enjoy ito at gustong-gusto niya ang Presidente.

Si Medialdea ang naghatid kay Trump sa Ninoy Aquino International Airport dahil abala noon ang Pangulong Duterte sa mga nakalinyang pulong sa huling araw ng mga pagpupulong sa ASEAN.

“Thank you very much, I had a great time and tell Rodrigo I like him very much,” ang pahayag ni Trump kay Medialdea.

Bago tuluyang umalis noong Martes ng hapon ay nagbigay ng mensahe si Trump sa 12th East Asia Summit kung saan inihayag nito na nag-enjoy siya ng husto sa 12 araw na pag-iikot nito sa Asya at tiniyak na magiging mas matibay at maganda ang relasyon ng Pilipinas at Amerika sa ilalim ng kanyang administarsyon.

“And now we have a very, very strong relationship with the Philippines, which is really .. less so for trade in this case, for military purposes, it is a strategic location, the most strategic location. And if you look at it, it’s called the most prized piece of real estate from the military standpoint.

So it’s very important that we get along with the Philippines and we really do. We have a good very good relationship. I would actually say, probably, better than ever before. So we have accomplished a lot. I’ve enjoyed it very much!” ang pahayag pa ni Trump. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }