102
views
donald-trump1

Trump inutos na ang pag-atake sa Syria

Sharing is caring!

Inanunsiyo ni President Donald na nagpalabas siya ng kautusan para atakehin ang Syria kasunod ng chemical weapons attack noong nakaraang linggo.

Ayon sa ulat, kasama umano ng US sa ilulunsad na pag-atake ang France at United Kingdom.

“A short time ago, I ordered the United States Armed Forces to launch precision strikes on targets associated with the chemical weapons capabilities of Syrian dictator Bashar al-Assad,” ani Trump. “A combined operation with the armed forces of France and the United Kingdom is now underway.”

Isa umanong gawa ng demonyo ang nangyaring masaker sa Syria na kagagawan ng rehimen ng diktador.

“The evil and the despicable attack left mothers and fathers, infants and children thrashing in pain and gasping for air/ These are not the actions of a man,” ani Trump, patungkol kay Assad. “They are crimes of a monster instead.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?