17

Sep 28, 2020 @ 21:58
By

Trump gustong VP ang anak

Nais ni US President Donald Trump na ang anak ang maging vice presidential running mate niya noong 2016 campaign, ayon sa bagong libro ni dating campaign deputy Rick Gates.

Sabi sa ulat ng Bloomberg, inilutang si Ivanka Trump bilang posibleng vice presidential running mate sa isang meeting noong 2016.

“[Ivanka’s] bright, she’s smart, she’s beautiful, and the people would love her!” saad umano ni Trump sa assembled group.

34-anyos noon si Ivanka at walang karanasan sa politika.

Si Ivanka raw mismo ang nagsabi kay Trump na hindi magandang idea na maging vice president siya nito.

Nobyembre 7, 2018, kinumpirma ni Trump na ang kasalukuyang US VP na si Mike Pence ang magiging vice presidential running mate niya ngayong 2020.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?