32

May 19, 2020 @ 12:38

Trump gumagamit ng gamot sa malaria

Binunyag ni US President Donald Trump na gumagamit siya ng hydroxychloroquine, gamot laban sa malaria at lupus, bilang pag-iingat laban sa COVID-19.

“I’ve been taking it for about a week and a half now,” wika ni Trump matapos ang isang pulong kasama ang mga restaurant executive.

Sa ngayon ay wala aniya siyang nararanasang sintomas ng COVID-19 at may mga naririnig aniya siyang positibong komento ukol sa naturang gamot.

Ineendorso ni Trump ang gamot kahit pa lumabas sa isang pag-aaral sa Journal of the American Medical Association na hindi epektibo sa new coronavirus ang hydroxychloroquine at maaaring magdulot ng cardiac arrest.

Nauna na ring nagbabala ang US Food and Drug Administration at National Institutes of Health laban sa paggamit nitong gamot para sa mga COVID-19 patient.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?