57

Nov 24, 2020 @ 8:52
By

Trump gov’t handa nang simulan transition kay Biden

Pinabatid na ng General Services Administration na handa na ang administrasyong Trump na simulan ang pormal na transition process kay US President-elect Joe Biden.

Nakasaad ito sa liham mula kay Administrator Emily Murphy na nakuha ng CNN, at pinadala kahapon.

Ito ang unang patunay na kinikilala ng gobyerno ang pagkatalo ni US President Donald Trump kay Biden, sa halalan sa Amerika dalawang linggo na ang nakararaan.

Ang liham ay hudyat na pwede nang magsimula ng transition: ang pakikipag-ugnayan ng kasalukuyang government agency officials sa papasok na grupo ni Biden at ang pagbibigay ng milyong pondo ng gobyerno para sa transition.

Ito rin ang pinakabagong tanda na nalalapit nang magtapos ang legal move ni Trump upang baguhin ang resulta ng nakalipas na halalan.

Binasura ang apela ni Trump na i-delay ang sertipikasyon ng halalan sa ilang US state gayong hindi makapagpakita ng patunay ang kanyang legal team na may nangyaring malawakang dayaan sa botohan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?