9

Sep 28, 2020 @ 9:03
By

‘Trump ‘di nagbabayad ng buwis nang 10 taon’

Napaulat na walang binayarang income tax si US President Donald Trump sa 10 sa nakalipas na 15 taon, simula 2000.

Ayon sa pasabog na ulat ng New York Times, kalakhan nito ay dahil iniulat niyang nalulugi siya nang mas malaki kaysa sa kanyang kinikita.

Ayon sa higit 2 dekada ng tax information na nakuha ng nasabing American media, nagbayad lang daw si Trump ng tig-$750 sa federal income taxes sa taon na nanalo siya sa pagkapangulo, at sa una niyang taon sa White House.

Tinanggi ng American president ang balita.

“I pay a lot, and I pay a lot in state income taxes,” wika ni Trump sa isang briefing, Linggo.

Willing din aniya siyang isapubliko ang kanyang tax returns kapag hindi na siya under audit ng Internal Revenue Service.

Hindi kailangang itago ni Trump ang kanyang tax returns habang under audit pero iyon ang sinasabi niya sa mga nagdaang taon.

Mula nang tumakbo sa posisyon ay isa nang misteryo ang mga buwis ni Trump. Noong 2016 campaign, taliwas sa karaniwan ay hindi niya sinapubliko ang kanyang tax returns.

Nanatili itong pribado at mailap sa media at madla mula nang siya’y umupo sa puwesto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?