68

Oct 8, 2020 @ 22:15
By

Trump binasura ni Taylor Swift

Inendorso ng pop superstar na si Taylor Swift ang katunggali ni President Donald Trump na si dating Vice President Joe Biden para sa pagka-pangulo sa Amerika.

Sinabi ni Swift na si Biden ang magsisimula ng “healing process” sa Amerika.

Kilalang kritiko ni Trump ang singer-songwriter, katunayan noong Agosto ay binanatan niya ang US president sa “ineffective leadership” laban sa coronavirus pandemic pati na ang balak umanong pag-alis sa karapatang bumoto sa US.

“Everyone deserves a government that takes global health risks seriously and puts the lives of its people first,” sabi ng “Lover” hitmaker sa V Magazine.

“I will proudly vote for Joe Biden and Kamala Harris in this year’s presidential election. Under their leadership, I believe America has a chance to start the healing process it so desperately needs,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?