151

Jun 23, 2020 @ 19:03
By

Trumiple! Richard Yap na-shock sa Meralco bill

Dismayado rin ang aktor na si Richard Yap sa sobra-sobrang babayaran niya sa kuryente.

Sa Twitter post sinabi ni Yap na umabot sa P55,652.01 ang kanyang bill sa Meralco.

“A lot of people have been complaining about their @meralco bill. Instead of billing the average of 3 months, they have been multiplying our bill 3x,” reklamo ni Yap.

“How did our bill end up this big when we’ve been paying our monthly bills?” pagtataka pa niya.

Nag-reply ang Meralco sa tweet ni Yap at nangakong iimbestigahan ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?