13

Jan 25, 2021 @ 13:57

Truck tumagilid, 3 dedo

Tatlong drayber ang pumanaw matapos tumagilid ang isang truck ng buhangin sa Teresa, Rizal.

Makikita sa CCTV na paliko ang trak sa pakurbang parte ng kalsada nang tumagilid ito at napahiga sa kabilang lane.

Sabi ng kapitan ng Barangay May-iba, sa isang ulat, nadaganan ng truck ang kasalubong nitong motorsiklo.

Habang may isa pang kasalubong ding motorsiklo na bumangga sa tumagilid na sasakyan. Patay ang parehong motorcycle rider.

Samantala, nasawi ang drayber ng trak matapos niyang tumalon mula sa sasakyan at nabagok ang kanyang ulo.

Mabilis ang takbo ng nasabing trak, batay sa isang saksi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?