63

Jan 4, 2019 @ 17:05
By

Truck driver tigok sa de-lata

Patay ang isang driver nang mahulog at mabagsakan ng tinutuntungang patong-patong na kahon na naglalaman ng mga de-lata sa Quezon City, nitong Huwebes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Salvador Limbo Jumao-as, 47, may-asawa, truck driver, at residente ng Phase 4-B, Package 7, Lot 5, Bagong Silang, Caloocan City.

Batay sa pahayag ng pahinanteng si Ednick Dumayawan kay PO1 Alexiss Mace Jurado, nangyari ang insidente alas-7:45 ng gabi sa loob ng pinagtatrabahuhan nila ng biktima sa Oriental Tin Can na matatagpuan sa No. 64 Gen. Luis St., Brgy. Nagkaisang Nayon, Novaliches.

Nasa ibaba umano si Dumayawan at tinutulungan ang biktima na noon ay nakatuntong sa patong-patong na kahon ng de-late at isinasakay sa trak subalit nawalan umano ng balanse si Jumao-as at nahulog.

Agad naisugod sa Quezon City General Hospital ang biktima subalit binawian ng buhay bandang alas-10:41 ng gabi (Enero 3), ayon sa attending physician na si Dr. Brian Hernandez sanhi umano ng tinamong severe traumatic injury sa ulo at katawan nito.

Masusi namang iniimbestigahan ng pulisya ang naganap na aksidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?