26

May 6, 2021 @ 12:40

Truck binangga motorsiklo: 2 dedo

Patay ang dalawang magkapatid matapos sumalpok ang sinasakyan nilang motorsiklo sa kasalubong nitong truck nitong Miyerkules ng gabi sa Rosario, Batangas.

Kinilala ang mga biktima na sina Daryl Gervacio, 26, at kapatid nitong si Analyn, 25.

Ayon sa Batangas police, si Daryl ang nagmamaneho ng motor angkas ang nakababata nitong kapatid ng makabanggaan nila ang truck na minamaneho ni Ferdinand Almadrones dakong alas-7:45 ng gabi sa Barangay San Ignacio.

Sa tindi umano ng impact ng banggaan ay tumilapon ang dalawang biktima at nagtamo ng matinding tama sa iba’t-ibang bahagi ng katawan kaya’t agad silang binawian ng buhay.

Nahaharap naman sa kaso ang tsuper ng truck.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,