24

Jun 3, 2020 @ 11:25
By

Truck ban ipinatupad sa Navotas

Muling ipinatupad ng pamahalaang lungsod ng Navotas ang truck ban, upang hindi ito magdulot ng matinding trapik.

Sa inilabas na derektiba ni Mayor John Rey Tiangco, magkakaroon ng limited truck ban mula 6:00 am to 10:00 am hanggang 8:00 pm, sa M. Naval Street, (Angora-cut off channel, C-4 to Tangos), Governor Pascual Street, C4 road at H. Lopez Boulevard.

Mayroon ding total truck ban sa Lapu-Lapu Avenue at sa San Rafael Village, habang mananatili namang lifted ang truck ban sa C-3, R-10 AT North Bay Boulevard.

Aalisin lamang ang truck ban kung manunumbalik na sa normal ang daloy ng mga sasakyan sa Navotas para maiwasan na rin ang pagkalat ng COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?