61

By ,

Troy Rike sabik sa 3×3 league

Wala aniyang inaasahan si dating National University player Troy Rike sa pagsabak nito sa Chooks-to-Go Pilipinas 3×3.

Didribol sa kauna-unahang 3×3 league sa bansa si Rike at kakatawin nito ang Pasig Grindhouse.

“I don’t know, it will be interesting ’cause I feel like it’s a faster game but also your IQ is not really shows here. There’s a lot you can do with your team, so it will be interesting (and) I really ni idea what to expect but I’m gonna try my best and see what happens,” sabi ni Rike.

Para kay Rike wala aniyang special tricks o training para maging mahusay siya maglaro, ang tanging sikreto aniya ay ang paulit-ulit niyang paglalaro ng basketball.

“I mean to be honest the main thing to me is I just wanna play as much basketball as possible just ’cause it’s what I enjoy but also the way to get better,” dagdag nito.

“I don’t think there’s really like any special tricks or even special-like training to do so much. I just want to be in the court as much as possible and test myself to other situation.”

Bukod sa 3×3 league, sasabak din sa 2019 PBA D-League Draft si Rike at ito ang kumpleto sa line-up ng Mighty Sports Philippines na sasabak sa 2019 Dubai International Basketball Championship sa Pebrero.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?