22

By

Troy Rike pinayagan na, bagong pangil ng NU sa UAAP

Sharing is caring!

Ibinuking ni National University Bulldogs head coach Jamike Jarin na makapaglalaro si Gilas cadet Troy Rike sa UAAP.

“Troy Rike will play this Saturday,” ani Jarin sa UAAP Season 81 presscon sa Mall of Asia Arena ngayong Lunes.

Inihayag ni Rike sa kanyang Twitter na hindi siya makapaglalaro sa UAAP dahil sa mga kadahilanang hindi siya makontrol.

Ang napabalitang dahilan ay may kinalaman sa kanyang mga papeles para sa eligibility issues.

Grumaduate na si Rike sa Wake Forest University kaya naman nagenroll siya ng master’s degree sa NU.

Makasasama ni Rike si Issa Gaye sa pagbubukas ng UAAP sa Sabado, Setyembre 8, sa Mall of Asia Arena. Una nilang makalalaban ang University of Santo Tomas Growling Tigers.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?