927

Troy at Aubrey, mala-‘Eba at Adan’ ulit sa Palawan

Sharing is caring!

Mukhang nasasanay na ang mag-dyowang Troy Montero at Aubrey Miles na ibalandra ang hubad nilang katawan.

Sa recent vacation nga nila sa isla ng Coron, Palawan naghubad na naman ang dalawa na mala-Eba at Adan, kung saan hindi pa uso noon ang pagdadamit ng mga lalaki at babae.

Ipinoste ng dalawa ang larawan nila sa kani-kaniya nilang Instagram accounts.

Sila lang dalawa ang nasa resort, kung saan makikita si Troy na nakadapa sa buhanginan na kita ang nakaalsa niyang puwet habang katabi si Aubrey na nakahubad din, habang nakalantad naman ang kanyang likod, puwet at pisngi ng dibdib.

Mala-nude pictorial naman ang arrive ni Aubrey habang nakatayo siya at kita ang kabuuan ng nakahubad niyang katawan sa batuhan sa isla.

“It’s more fun in the Philippines,” sabi niya sa caption nito.

Hindi ito ang unang beses na naghubad sina Troy at Aubrey at ipinangalandakan sa social media, nag-trending na rin noon ang ginawa nilang paghuhubad habang nakabakasyon sa The Farm sa San Benito, Batangas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?