168

Jun 25, 2019 @ 11:20
By

Tropical fiesta tema ng baby shower, b-day party ni Andi Eigenmann

Bongga ang ‘chic tropical fiesta eleganza’ theme ng pagdiriwang ni Andi Eigenmann ng kaniyang baby shower at 28th birthday na isinagawa sa Rockwell Center, Makati.

Ngayong June 25, Martes ang ika-28 taong kaarawan ni Andi Eigenmann na ngayo’y nasa ika-8 buwan na rin ng pagdadalantao sa kaniyang ika-2 anak.

Noong June 24 ay ibinahagi ni Eigenmann sa kaniyang social media account ang mga larawan ng naturang pagdiriwang.

“Baby shower! Last weekend, @apricaph and @jennasypr threw me a baby shower, and it was so much fun!” saad ni Eigenmann sa kaniyang Instagram. “For this I will forever be grateful!”

View this post on Instagram

Baby shower, ✔️! Last weekend, @apricaph and @jennasypr threw me a baby shower, and it was so much fun! For this I will forever be grateful! I felt like a kid again enjoying all the food, games and the super pretty set-up.?@craftycelebrationsph definitely pulled off the theme I had in mind (we’ve been missing island life so obv it was chic tropical fiesta eleganza, and attire was palengke chic) —Thank you guys! Thank you also @niceprintphoto for taking the photos! For the food carts— thank yoh @craftycelebrationsph, @sainteannecreperie, @gelatolabph, @pufflesph, @thelemondropsph, @nachofreeto, for keeping our bellies happy; and Thank you also @insta_mug for the souvenirs and @sugarcraftmnl for the prettiest desserts that tasted just as good as it looked! My baby shower/ bday celebration was such a success because of you guys! #AndiLovesAprica

A post shared by Andi Eigenmann (@andieigengirl) on

Ibinahagi ni Eigenmann sa kaniyang mga fan na pakiramdam niya ay tila bata siyang muli dahil sa mga pagkain, palaro at sa tema ng party, courtesy ng Crafty Celebrations.

“@craftycelebrationsph definitely pulled off the theme I had in mind (we’ve been missing island life so obv it was chic tropical fiesta eleganza, and attire was palengke chic) —Thank you guys!” ani Andi.

Taos-puso ring nagpasalamat si Eigenmann sa lahat ng tumulong upang maisakatuparan ang kaniyang baby shower at advanced birthday party.

Matatandaang unang inanunsiyo ni Eigenmann ang kaniyang pagbubuntis noong Pebrero sa kaniya ring Instagram.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?