161

Dec 13, 2017 @ 12:43

Tropical Depression “Urduja” maaaring maging bagyo

Maaaring maging bagyo ang tropical depression ‘Urduja’ na napanatili ang lakas nito habang pabagtas sa hilaga hilagang-kanluran ng bansa sa loob ng 36 na oras, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa 10:00 a.m. weather bulletin nito, namataan ang sentro ni ‘Urduja’ sa 405 kilometro ng silangan ng Guiuan, Eastern Samar, na may lakas ng hangin na 55 kilometro bawat oras at pagbugso na aabot sa 65 kph.

May dalang katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan ang tropical depression sa mga lugar na sakop ng 350-kilometer diameter.

Wala pa namang tropical cyclone warning signal na nakataas sa bansa sa 11:00 a.m. forecast ng weather bureau.

Magpapaulan si ‘Urduja’ sa Visayas at Bicol sa loob ng 24 na oras.

Pinayuhan ng PAGASA ang mga mangingisda at maliit na mga bangkang pangisda na iwasang pumalaot sa silangang baybayin ng Eastern Visayas at Caraga dahil sa magiging maalon na karagatan sa paglapit ni ‘Urduja’.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?