11
ester

Tropical depression Ester humina, lalabas sa PAR sa Sabado

Sharing is caring!

Bahagyang humina ang tropical depression Ester kanina at namataan sa bahagi ng Taiwan, ayon sa weather bulletin ng PAGASA.

Inalis na rin ng PAGASA ang Tropical Cyclone Warning Signal sa Batanes.

Alas-4:00 ng umaga nitong Biyernes, ang sentro ng Tropical Depression Ester at tinatayang 325 kilometro ng north northwest ng Basco, Batanes taglay ang lakas na hangging 55 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong hanggang 90 kph.

Si Ester ay bahagyang humina at kumikilos sa northeastern direction sa bilis na 13 kph.

Inaasahang lalabas si Ester ng Philippine Area of Responsibility (PAR), 785 km north northeast ng Basco, Batanes sa Sabado ng umaga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?