93

By ,

Tropa ni Pascua nakauna

Mga laro sa Linggo:

(Mall of Asia Arena)

2 PM – Adamson vs. UST

4 PM – DLSU vs. Ateneo

Sinungkit ng last season runner-up na Far Eastern University (FEU) Lady Tamaraws ang una nitong panalo sa UAAP Season 81 women’s volleyball tournament kontra sa National University (NU) Lady Bulldogs 22-25, 25-19, 25-19, 25-12 Sabado sa The Arena sa San Juan City.

Gaya ng inaasahan, umariba agad ang Lady Tamaraws nang tambakan nito ang NU 21-12 at kunin ang kumpiyansa pero nag-iba ang ikot ng bola ng magawa pang manakaw sa kanila ang unang set sa pagposte ng 8-1 run ng Lady Bulldogs.

“Sabi ko nga kanina bago kami mag-start, umpisahan natin ng maganda, tapusin natin ng maganda, kasi importante ‘yung maganda sa start para kahit papano blessing na rin ito,” sabi ni FEU coach George Pascua sa post-game interview.

Sa pagpasok ng second set ay agarang bumawi ang tropa mula sa Morayta at muli na namang tinambakan ang NU, pero kumapit ito at lumaban hanggang sa magawa nitong pakabahin ang FEU at ang dalawang aces ni Carly Hernandez naitabla nito sa 1-1 ang laro.

Hanggang sa pagpasok ng third set ay mas naging mas maganda ang depensa at opensa ng Lady Tamaraws hanggang magtuloy-tuloy ito sa fourth set hanngang sa maselyuhan na nito ang panalo.

“Well obviously I’m happy that the team won the game today but I think there’s a lot of things that still we need to work on. So, from this first game, we saw things like receive and other things,” wika ni Jerrilli Malabanan na pumalo ng 10 puntos.

“Happy po kasi first time ko mag-UAAP tapos panalo tapos kanina iniisip ko na lang po yung mga tinuro ni coach. ‘Yun ‘yung parating sinasabi ni coach ‘sundin niyo lang at mananalo tayo’,” sabi ni Lycha Ebon na may 13 puntos.

Naging malamlam naman ang mga plays na ginawa ng Lady Bulldogs mula ng palitan ang setter nito ng uminda ng injury sa tuhod matapos ang aksidente pangkakabangga nito kay Roselyn Doria.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?