derrick-monasterio
By

Trono ni Goma type agawin ni Derrick

Sharing is caring!

Si Derrick Monasterio na ba ang susunod na Richard Gomez ng Bench? Ilusyon lamang ito ng karamihan, pero malay natin dahil matagal na ring uhaw ang mga fan sa mga modelo na mala-Goma ang dating.

Of course, institusyon na si Goma at walang sinuman ang puwedeng pumalit sa kanya pero at least man lang yung sumusunod sa yapak niya ay malaking potensiyal si Derrick, devah?

Yung pictorial ni Derrick na nakasakay sa bangka na hawak ang paddle ay parang junior Richard Gomez nga siya. Yun ang signature look ni Goma na nagpasikat nang husto rin sa Bench.

Sa post nga ni Derrick, ang lakas ng dating nito lalo na’t malakas din talaga ang appeal ng anak ni Tina Monasterio. Marami na naman ang pinatulo niya ang laway dahil sa kanyang pa-triceps and biceps. And but of course, ang kanyang pa-abs with matching karug, huh!

Kung ang purpose nila ay akitin ang kanilang clients sa pamamagitan ng meaty pic na yun ng Kapuso actor, feeling namin ay natupad nito ang kanilang goal.

Yun na!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?