53

By

Trollano sakripisyo para sa bayan

Sharing is caring!

Nagsakripisyo si Don Trollano para kay Jordan Clarkson.

Binigay ng TNT guard-forward ang slot niya sa final 12 ni coach Yeng Guiao para masiguro na may puwesto ang Fil-Am guard ng Cleveland Cavaliers, sakaling payagan ng NBA na maglaro para sa Pilipinas sa Asian Games.

“Don Trollano had to sacrifice his slot for the slot of Jordan,” pahayag ni Guiao matapos niyang pangalanan ang 12-man team na bibitbitin niya sa Indonesia.

Ngayong araw ang iskedyul ng Nationals na lumipad pa-Indonesia, pero wala pang kasiguruhan kung makakasama si Clarkson.

Inaprubahan ng Indonesian Asian Games Organizing Committee ang eligibility ni Clarkson kaya para sa INAGOC ay puwede na itong maglaro.

Ang problema ay wala pang approval ang NBA na manggagaling kay commissioner Adam Silver.

Isinama pa rin sa lineup ang pangalan ni Trollano para makumpleto ang 12-man team sakaling hindi payagan si Clarkson.

“Okay lang sa akin na naalis ako. Jordan Clarkson ‘yun. Sino pipiliin mo, si Jordan Clarkson o ako?” natatawa pang pahayag ni Trollano, maluwag sa loob na binigay ang slot para sa Cleveland Cavaliers guard. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?