47

Aug 21, 2019 @ 16:55
By

Trollano ipapalit? Clarkson malabo na sa Gilas – Guiao

Nawalan na nang pag-asa si Gilas head mentor Yeng Guiao na maisama sa lineup ang Cleveland Cavaliers guard na si Jordan Clarkson.

10 araw na lang ang nalalabi bago ang pagsisimula ng 2019 Fiba World Cup na gaganapin sa Foshan, China, at tila malabo nang maisama pa ang Fil-Am player sa roster.

“Mukhang wala na si Jordan,” ayon kay Guiao. “It’s too late at this point.”

Matatandaan na kasama ang pangalan ni Clarkson sa player pool ni Guiao para sa Gilas, inaasahan sana na maayos ang mga papeles nito ngunit hindi pa rin maayos ang kanyang status sa Fiba.

“Fiba has not indicated any change in its original decision so we just have to move on,” aniya pa.

Biro naman ni Guiao, may posible nang ipalit kay Clarkson dahil sa non-inclusion nito sa lineup.

“Si Don Clarkson na lang daw ang sasama namin,” patawa ni Guiao patungkol kay Don Trollano matapos ma-cut sa Team Pilipinas sa 2018 Asian Games nang payagan ng NBA na maglaro si Clarkson sa national team.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?