17

Mar 5, 2018 @ 21:13
By

Tristan Thompson out sa injury

Nalagasan ng pambara sa ilalim ang Cleveland, ilang larong matetengga si Tristan Thompson matapos abutin ng sprained right ankle sa 126-117 loss ng Cavaliers sa Denver noong Sabado.

Walang eksaktong bilang, pero ayon sa team ay inaasahang mawawala ng “multiple games” ang starting center nila.

Wala pa rin sa Cavs si All-Star forward Kevin Love na nabalian ng kaliwang braso noon pang Jan. 29.

Sumasalang na sa rehabilitasyon si Love, nakakapag-workout na rin pero sa katapusan ng March pa inaasahang makakabalik.

Si forward Jeff Green ay malamang ipahinga rin ang nananakit na likod.

Isang player ng Nuggets ang nakatapak sa paa ni Thompson sa first half ng pang-apat na talo ng Cleveland sa limang home games.

Tinapos pa ni Thompson ang laro at nakapagsumite ng 12 points, seven rebounds, pero kinagabihan ay namaga na.

Malamang gawing starter ni coach Tyronn Lue kapalit ni Thompson si Larry Nance Jr.

Nabugbog ang tuhod ni Nance kontra Denver, pero hindi naman ganoon kalala.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?