65
tristan-thompson

Tristan Thompson nahuling nakikipaglaplapan sa NY

Sharing is caring!

Nasangkot sa kontrobersiya ang Cleveland Cavaliers center na si Tristan Thompson matapos mahuling nakikipaghalikan sa isang brunette sa isang night club sa New York.

Nangyari ang kontrobersiya, ilang araw bago ang panganganak ni Khloe Kardashian, ang kasintahan ni Thompson.

Ayon sa report ng Daily Mail, naispatan si Thompson na kasama ang hindi kilalang babae sa PH-D Lounge sa rooftop bar sa Manhattan nitong nagdaang Sabado.

Ang babae ay may “long, straight, brown hair’ at ‘bright red nails’ batay sa video na nakuha ng Daily Mail. Nakahawak ang braso ng babae sa balikat ni Thompson.

Bago ito, nag-uusap lang dalawa hanggang sa isinandal ng babae ang kanyang ulo sa hood ng sweatshirt ng NBA player.

Makikita din sa video na mistulang naghahalikan nga ang dalawa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?