114
Tristan Thompson buking sa pakikipaglandian sa BFF ni Kylie Jenner
Feb 20, 2019 @ 14:03
By

Tristan Thompson buking sa pakikipaglandian sa BFF ni Kylie Jenner

Nabunyag na naghiwalay sina Khloé Kardashian at Tristan Thompson dahil nagtaksil umano ang huli sa best friend pa mismo ni Kylie Jenner na si Jordyn Woods.

Nagsimula umano ang “landiang” Jordyn at Tristan sa Drake show at marami umano ang nakasaksi rito.

Sa inisyal na mga report, naispatan ang dalawa na in love na in love sa isa’t isa sa isang house party.

Lumabas umano sina Tristan at Jordyn kasama ang kanilang mutual friends para makita si Drake at crew nito.

Ayon sa source ng E!, nakita umano sila, “hanging close to one another and were being very flirty.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?