44

By

Tristan Thompson absuwelto sa video scandal

Sharing is caring!

LUSOT na sa pakikipaglandian sa dalawang seksing bebot ang sentro ng Cleveland Cavaliers na si Tristan Thompson.

Kahapon, sinabi mismo ng girlfriend ni Thompson na si reality star Khloe Kardashian na pinapatawad na niya ang nobyo dahil nangingibabaw ang kanyang kaligayahan matapos ipannganak ang panganay nila ng basketbolista.

“She’s so incredibly happy that her baby is here, that she is big and strong and healthy and beautiful, and so right now Khloé truly has no other cares in the world. She isn’t even mad at Tristan right now,” ayon sa isang malapit sa pamilya Kardashian.

Kailan lang ay nahuli sa video ang basketbolista sa isang penthouse na nakiki-party at nakikipagharutan sa dalawang magaganda at seksing babae. Ang isa ay nakipaghalikan sa kanya habang ang isa naman ay isinubsob ang kanyang mukha sa umaapaw nitong dibdib.

Pero wa pake si Khloe.

“Khloé is feeling nothing but happiness right now. She is head over heels in love with her little girl—she is just consumed with love. Absolutely nothing else matters,” ayon pa sa source.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?