110

Triple-double record ni LeBron, binura ni Ball

Sharing is caring!

Dumayo ng Milwaukee si Lonzo Ball para iguhit ang pangalan sa ­kasaysayan.

Naging pinakabatang NBA player ang se­cond overall pick ng Los ­Angeles Lakers na nagsumite ng triple-double – 17 points, 13 assists, 12 rebounds.

Sa edad na 20 years at 15 days, mas bata ng apat na araw si Ball nang ilista ni LeBron James ang record bilang pinaka­batang naka-triple-double sa NBA.

Kaya lang, hindi nagawang isalba ni Ball ang Lakers sa pagyuko sa Bucks, 98-90.

Sapat ang 33 points at season-high 15 rebounds ni Giannis Anteto­kounmpo para sapawan ng Bucks ang ­record-game ni Ball.

Pati si Milwaukee coach Jason Kidd, malupit na point guard noong kapanahunan sa NBA, napabilib ni Ball.

“His strengths are finding his teammates and rebounding the ball, making the game easy for his teammates,” puna ni Kidd. “He did that at a very high level tonight.”

Wala lang kay Ball kahit nakagawa siya ng record dahil sa resulta ng laro.

“I really don’t care,” pakli niya. “I just wanted to win tonight. I thought we put ourselves in a good position to get it, but it didn’t happen.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?