22

Triple-double ni Westbrook malamya sa Wizards

Sinungkit man ni Russell Westbrook ang kanyang ika-12 triple-double ngayong season, hindi nito kinaya ang teamwork ng Washington Wizards.

Tumapos si Westbrook ng 20 puntos, anim na rebounds at limang assists, ngunit walang panama sa limang Wizards na nakaiskor ng double digits.

Pinangunahan ni Bradley Beal na may 25 puntos, humakot naman ng 20 puntos, anim na rebounds at limang assists si Otto Porter na nagmula sa bench, si Jeff Green (16), Tomas Satoransky (15) at Thomas Bryant (14) ay umayuda rin para sa Washington.

Sa halftime, lamang lang ng apat ang Wizards, 54-50, ngunit nakabalikwas ang Thunder na ninakaw ang kalamangan 55-54.

Matapos nito ay nagpakawala ng 15-2 run ang Washington para sa 80-69 kalamangan sa third quarter.

Tuluyan nang nagwagi ang Washington para itarak ang ika-16 panalo sa 40 laro, samantalang bumaba sa 3rd spot sa Western conference ang Thunder, may 25-14 na kartada. (RP)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?