33

By

Triple double ni Mangahas nagpalambot sa Strikers

Sharing is caring!

Pumoste ng triple-double na 22 points, 12 rebounds at 12 assists si former PBA player Allan Mangahas para bitbitin sa 6-0 panalo-talo rekord ang Muntinlupa Cagers na pinanis ang Bacoor Strikers, 97-83, Martes nang gabi, Setyembre 4, sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) sa Imus Sports Complex.

Lubog ng 13 puntos sa first frame 20-33 at lima sa kaagahan ng final quarter 64-69, inako ni Mangahas ang opensa para ipahiya ang Strikers, na nalaglag sa 4-4 kartada.

Pinangunahan ni Mangahas ang 15-4 rally sa endgame katuwang sina Chito Jaime at David Moralde para makuha ang manibela, 79-73.

Ito na ang ikalawang sunod na talo ng Bacoor sa South division.

Nanguna para sa Bacoor ang anak ng dating PBA player at coach Joel na si Gab Banal sa kanyang sariling triple ‘D’ na 24 puntos, 12 rebounds at 11 assists.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }