18

By

Triple-double ni Jokic bumuhat sa Nuggets kontra Clippers

Iniuwi ng Denver Nuggets ang panalo laban sa Los Angeles Clippers sa iskor na 121-100.

Namuno si Nikola Jokic sa Nuggets at nagtala ng kanyang second straight triple-double, at lima ngayong season, gumawa ng 18 points, 14 rebounds, sampung assists at may 2 blocks sa loob ng 28 minutes.

Nagtulong din sina Malik Beasley, Torrey Craig, Monte Morris, Jamal Murray at Mason Plumlee na hindi nagmintis noong first quarter na may pinagsamang 12 of 12 sa field at nagpalamang sa Nuggets pagtapos ng 1st quarter sa iskor na 37-25 at hindi na nalamangan pa ng Clippers.

Si Jamal Murray ay nagtapos na may game-high 23 points sa 10-16 shooting at may 6 rebounds at dalawang assists. Sa Clippers naman ay namuno si Lou Williams na may 19 points at sina Danilo Gallinari at Tobias Harris ay may 18 points pareho.

Ang Denver Nuggets ay nananatili sa tuktok ng Western Conference standings na may 28-12 panalo-talo habang ang Los Angeles Clippers naman ay nasa panglima tangan ang 24-17.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?