Triple-double ni James, nagpalamig sa Suns

Sharing is caring!

Naitala ni LeBron James ang kanyang 69th career triple-double sa kanyang 14th season para pangunahan ang Cleveland Cavaliers sa pagwasiwas sa Phoenix Suns, Martes ng gabi.

May 28 points, 13 rebounds at 11 assists si James para sa kanyang ikalawang triple-double sa nakalipas na 10 araw.

Kumana si Kyle Korver ng 22 para Cavaliers na bumawi sa kanilang pagkatalo sa Clippers at Lakers. Nag-ambag ng 23 si Jordan Clarkson kabilang ang anim na tres.

Namuno sa T.J. Warren at Josh Jackson na may tig-19 points para sa Suns at 17 naman Devin Booker.

Natalo ang Suns ng 21 sa kanilang 23 laro at unang team na nakalasap ng 50 pagkatalo ngayong season.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?