40

Dec 7, 2017 @ 15:50

Triple-double ni Durant, rumesponde sa Curry-less Warriors

Hindi man nakapaglaro si Stephen Curry dahil sa natamong injury sa huling laban ng kanyang koponang Golden State Warriors sa New Orleans Pelicans, rumesponde naman si Kevin Durant at binalikat team.

Nagawang makaalpas ng Curry-less Warriors sa Charlotte Hornets dahil sa pagpapakitang-gilas ni Durant na may naitalang triple-double na nagresulta ng 101-87 victory nila.

Hindi rin nakapaglaro ang isa pang star ng Golden State na si Draymond Green dahil naman sa namamagang kanang balikat.

Si Quinn Cook muna ang humalili sa posisyon ni Curry ngunit mayroon lamang naiambag na eight points, three rebounds at three assists.

Habang si Jordan Bell naman na pumalit pansamantala kay Green ay scoreless sa 22 minutong nilaro.

Ngunit rumesponde si Durant sa kakulangan na ito at umiskor ng 16 points sa first quarter pa lamang at naging all-around player para sa Warriors.

Lumamang pa ng 26 na puntos sa first half ang Warriors (20-6), bago natapyas ng Hornets (9-14) sa pito na lang.

Tumapos si Durant na may 35 points, 11 rebounds at 10 assists, habang may tulong na 22 points si Klay Thompson para sa Golden State.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?