By

‘Trip Ubusan’ ng JoWaPao, hitik sa suspense at katatawanan

Sharing is caring!

Hindi mabibigo ang mga tagahanga ng Kalyeserye Lolas na sina Lola Nidora (Wally Bayola), Lola Tinidora (Jose Manalo) at Lola Tidora (Paolo Ballesteros) na umaasam ng punong-puno ng suspense at comedy action film sa kanilang lalabas na movie bukas, Nov. 22, ang “Trip Ubusan: Lolas vs. Zombies”.

Tagumpay ang directorial project na ito ni Mark Reyes na maibigay sa kanyang manonood ang hinahanap nilang suspenseful scenes sa pelikula.

Ang TULVZ ay inspired sa box-office hit worldwide na “Trip To Busan” na gawa sa Korea at pinagbibidahan ni Gong Yoo ng “Goblin”.

Bagama’t makikita naman sa production na hindi ito kasing-gastos ng “Trip To Busan”, ginawa naman ng APT Production na maibigay sa kanilang manonood ang entertainment na ninanais ng mga ito.

Huwag lang umasa ang mga manonood sa appearance ng social media phenomenal star na si Maine Mendoza o Yaya Dub, dahil sa premiere night noong

Lunes lang nagpakita ang “Eat Bulaga” host at hindi siya kasama sa movie.

Kahit ang isang film making professor na kasama naming nanood ay bumilib sa ibinahaging acting ability ng iba pang mga casts na sina Angelica dela Cruz,

Archie Adamos, Ryzza Mae Dizon, Taki Saito, Kenneth Medramo, Miggy Tolentino, Shaira Mae dela Cruz, Jhaybot Galang at Caprice Cayetano.

Pero lumutang talaga sa movie ang dating ‘Congratulations’ girl na si Lovely Abella at si Arthur Solinap sa kanilang regional character at loveteam.

Hindi puwedeng hindi tutukan ang bawat eksena ng dalawa, dahil bukod sa cute ang kanilang batuhan ng eksena, natural kung umarte ang dalawa.

Kahit sa southern dialect nila ibinabato ang kanilang mga linya, nakakaaliw sila Lovely at Arthur.

Hindi comedic ang mga scenes ng dalawa pero mapapangiti ka sa kanilang team-up.

Papasa bilang team-up sa telebisyon o pelikula ang dalawa kung maglalakas lang ng loob ang GMA 7 na i-push silang dalawa sa isa’t isa.

Wagi naman sa timing si Wally na palaging angat sa maraming eksena. Oo, ang galing din nina Paolo at Jose pero iba ang comedy-timing ni Wally na hindi niya kinakailangan ng maraming galaw.

Sana nga kumita ang “Trip Ubusan” para mas maibahagi pa sa moviegoing public ang iba pang materyal na puwedeng paglabasan ng galing nina Jose, Wally at Paolo sa comedy ganundin ang potensiyal ng mga nabanggit na casts na maging mahusay na artista. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?