22

Aug 24, 2021 @ 13:35
By

Trilyong inutang saan napunta?—Bayan Muna

Bago aprubahan ang P5.024 trilyong budget para sa 2022, dapat umanong isiwalat muna ng Duterte government kung saan napunta ang trilyon-trilyong inutang nito.

Ayon kay Bayan Muna chairperson Neri Colmenares dapat ay malaman kung saan napunta ang mga inutang ng gobyerno na ang taumbayan ang magbabayad.

“It is time for Congress to assert its constitutional mandate and not cower in fear to a ‘has been’ lameduck President,” sabi ni Colmenares.

Batay umano sa dokumento na isinumite ng Executive department sa Kongreso, nangutang ang gobyerno ng P2.65 trilyon noong 2020 at nagbayad ng P380.412 bilyon sa interes. Mayroon namang P262 bilyon savings at unused fund ang gobyerno.

“Why should he (Duterte) condemn taxpayers to pay hundreds of billions in interest for loans, when he reported at least Php262 billion in savings and unused funds in the budget he just submitted? This is a case for criminal charges under the Anti Graft and Corrupt Practices law; especially since he has not fully accounted where those loans went. Millions of Filipinos have not received their ayuda during the various lockdowns in 2020 until now,” sabi ni Colmenares.

Ngayong taon ay mangungutang ang gobyerno ng P3.072 trilyon at magbabayad ng P531.544 bilyon sa interes.

Para sa susunod na taon, mangungutang ang gobyerno ng P2.472 trilyon at magbabayad ng P512.585 bilyon sa interes.

Sinabi ni Colmenares na P100 bilyon lamang ng pambayad sa interes ay kaya ng pondohan ang 105,000 COVID test kada araw sa loob ng anim na buwan, kumuha ng 505,000 contact tracers na papasuwedluhin ng P18,750 sa loob ng anim na buwan at makapagbigay ng tig-P5,000 sa 19 milyong mahihirap na pamilya.

Kung ang gagamitin umano ay ang P262 bilyong savings at unused fund ay kaya nitong pondohan ang mga nabanggit na programa sa loob ng isang taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?