472

Mar 9, 2021 @ 17:15
By

Trillanes tatakbo sa 2022

Kinumpirma na ni dating Senador Antonio Trillanes IV ang kanyang pagtakbo sa 2022 national elections.

Sa panayam ni Jojo Sicat ng Abante News Online, inanunsyo ni Trillanes na babalik siya sa politika matapos maging senador ng dalawang termino.

“Most likely we will run on 2022, pero kung anong posisyon, ‘yan ang pinag-iisipan pa ng grupo,” saad ni Trillanes.

Aniya, mas maayos ang kanyang pamumuhay bilang college lecturer, ngunit hindi niya mapalampas ang mga isyu sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“Kung sarili ko lang ang iisipin ko at aking pamilya, masaya naman ako sa pagtuturo, wala gaanong stress doon eh kaso araw-araw nakikita mo yung problema,” paliwanag ng dating mambabatas.

Para naman sa posisyon, mukhang malabo na pagka-Pangulo ang takbuhan ni Trillanes dahil si Vice President Leni Robredo ang kanilang sinusuportahan sa oposisyon.

“Ang oposisyon, isa lang ang itutulak na kandidato, at ‘yan si Vice President Leni Robredo. Naka-focus kami diyan ngayon,” lahad ni Trillanes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?