3,014

By

Trillanes sarap-buhay noong kadete pa sa PMA! – Duterte

Sharing is caring!

Sa opisina lamang umano nagbababad si Senador Antonio Trillanes IV at hindi sumasali sa matinding training noong kadete pa ng Philippine Military Academy (PMA).

Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa numero uno nitong kritiko.

Sinabi ng Pangulo na binibigyan umano ng pabor si Trillanes noong kadete pa ito at palaging nasa opisina lamang ng kanyang ama na dating militar.

“Hindi ako yung anak ng opisyal sa PMA, si Trillanes, na hindi man pala sumasali doon sa mga training na yung talagang iihi ka sa pantalon mo. Kasi he was favored because he was always in the office of his father who was working for government, also a military man,” anang Pangulo.

Pakutyang sinabi ng Presidente na si Trillanes pala ang nilalad ng tatay niya.

Matatandaang inihayag noon ng senador na ‘inayos’ umano ng ama ni Duterte ang pagiging abugado nito.

Pero buwelta ng Pangulo, matagal ng patay ang kanyang ama bago siya naging abugado.

“Siya pala ang nilakad ng tatay niya. My father would never do that even if I wanted to,” dagdag pa ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?