68
Antonio-trillanes
By

Trillanes sa Makati RTC 148: Sana gawin niyo ang tama

Sharing is caring!

Umaasa si Senador Antonio Trillanes IV na ibabasura ng Makati Regional Trial Court Branch 148 ang petisyon ng Department of Justice (DOJ) na siya’y ikulong at muling litisin sa kasong kudeta.

Ayon sa senador, may impormasyon sila na malakas ang udyok ng administrasyong Duterte kay Judge Andres Soriano pero umaasa siyang maninindigan ang hukom.

“Sa gitna ng mga pressure, I hope maging isa si Judge Soriano sa mga taong gagawa ng tama upang makabangon ang bayan,” sabi ni Trillanes sa panayam ng Super Radyo DZBB.

Sa loob ng papasok na linggo, inaasahang ilalabas ni Soriano ang desisyon kung ipakukulong o hindi si Trillanes.

Iginigiit ng DOJ na buhay pa ang kasong kudeta laban kay Trillanes matapos bawiin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang amnestiya nito.

Binawi ang amnestiya dahil hindi umano nag-aplay si Trillanes para rito dahil hindi makita ang application form nito bukod sa hindi umano nito inamin ang pagkakasalan sa bayan.

Ayon kay Trillanes, sa pamamagitan ng mga testigo, napatunayan nila sa korte na nag-aplay siya para sa amnestiya at umamin siya ng kasalanan.

“Wala nga silang testigo na nagsasabi na hindi ako nag-apply ng amnesty,”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?