217
Trillanes
By

Trillanes: Roque, ibinenta ang kaluluwa sa mga demonyo

Sharing is caring!

Binakbakan ni Senador Antonio Trillanes IV si Presidential spokesperson Harry Roque dahil sa tila pagbabalewala nito sa ulat na nang-harass ang mga Chinese Coast Guards sa mga Pilipinong mangingisda sa Scarborough Shoal.

“Alam n’yo pinapalala lang ni Roque ‘yung sitwasyon. Pinapalabas na talagang siya ay talagang sinanla na nya yung kaluluwa nya sa demonyo eh,” pahayag ni Trillanes sa isang press conference.

Ayon sa senador, ang inaasal ni Roque ay taliwas diumano sa dati niyang gawain na isang human rights advocate at kinatawan ng mga margenalized sector tulad ng mga magsasaka at mangingisda.

“Tapos ngayon, siya pa nagiging apologists nitong mga ginagawa nitong Chinese Coast Guards sa ating mangingisda,” diin pa ni Trillanes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?